Ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang unilateral na pagpapalala ng Amerika ng alitang pangkalakalan ay nakakapinsala sa talastasang Sino-Amerikano.
Winika ito ng tagapagsalitang Tsino sa regular na preskon nitong Huwebes, Mayo 16, bilang tugon sa pagsisimula nitong Lunes, Mayo 13 ng Amerika ng proseso ng pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga panindang Tsino na nagkakahalaga ng 300 bilyong dolyares.
Ipinahayag naman nitong Miyerkules, Mayo 15 ni Steve Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika na naging konstruktibo ang katatapos na ika-11 round ng talastasang pangkalakalan ng Tsina't Amerika, at umaasa sila ni Robert Lighthizer, Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika na makakapunta sa Beijing para ituloy ang bagong round ng talastasan.
Kaugnay nito, sinabi ni Gao na wala pang natanggap na detalye ang panig Tsino hinggil sa gagawing pagdalaw ng delegasyong Amerikano.
Salin: Jade
Pulido: Mac