Idinaos kahapon, Miyerkules, ika-8 ng Mayo 2019, sa Vancouver, Kanada, ng British Columbia Supreme Court ang pagdinig sa kaso hinggil sa kahilingan ng Amerika sa ekstradisyon kay Meng Wanzhou, Chief Financial Officer ng Huawei, malaking kompanyang Tsino ng teknolohiyang pang-telekomunikasyon.
Sa pagdinig, sinabi ng lawyer team ni Meng, na walang batayan ang kahilingan ng Amerika sa ekstradisyon kay Meng, at ilegal din ang pagkulong ng Kanada sa kanya. Tinukoy din nilang, ang mga pananalita ni Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil sa kaso ni Meng, ay nagpapakitang ito ay kasong may layuning pulitikal, at hindi batay sa "rule of law."
Salin: Liu Kai