Mula Mayo 17 hanggang 18, 2019, ginanap sa Hangzhou ang Ika-17 Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng Pagsasakatuparan ng Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok tungkol sa komprehensibo at mabisang pagpapatupad ng DOC, pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon sa dagat, at iba pang tema.
Sinang-ayunan ng mga kalahok na patuloy na magsikap para komprehsibong maisakatuparan ang DOC, aktibong mapasulong ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan sa dagat, at makapagbigay ng ambag para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Salin: Li Feng