|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Inulit ng Tsina ang paninindigang lutasin ang alitang panteritoryo at demarkasyong pandagat sa pamamagitan ng bilateral na konsultasyon at diyalogo, kaugnay ng isyu ng South China Sea.
Ito ang ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon Huwebes, Agosto 31, 2017 bilang tugon sa tanong kung hinimok ng Tsina ang Indonesia na itigil ang pakikipag-usap nito sa Vietnam hinggil sa delimitasyong pandagat.
Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina na makipagtulungan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Ipinagdiinan din ng tagapagsalitang Tsino na kaugnay ng nasabing espesipikong tanong, umaasa ang Tsina na ang mga may kinalamang bansa ay maaaring magkaroon ng mas malawak na pananaw hinggil sa bilateral na relasyon at katatagan sa South China Sea at mahinahong kumilos.
Inulit din niya ang hangarin ng Tsina na magsikap, kasama ng mga may kinalamang bansa para mapangalagaan ang positibong tunguhin ng pagpapatatag at pagpapabuti ng kalagayan ng South China Sea.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |