Ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga resulta ng pagsusuri ng Europa sa mga produkto ng Huawei, telecom giant ng Tsina, ay nagpatunay sa pagiging inosente ng kompanya sa mga paratang.
Winika ito ni Lu sa regular na preskon nitong Lunes, Mayo 20 kaugnay ng mga ulat ng media na Aleman. Ayon sa nasabing mga ulat, sa pagsusuri ng Britanya, Alemanya at Uniyong Europeo (EU) nitong ilang taong nakalipas, walang natuklasang lantarang "backdoors" sa mga produktong Huawei. Taliwas dito, ang mga security loopholes ay madalas na napuna sa mga produkto ng Cisco, kompanyang Amerikano, at sapul noong 2013, sampung insidenteng "backdoor" ang inilantad.
Dagdag pa ni Lu, sapul nang maganap ang insidente ng Prism Gate, nananatiling tahimik ang pamahalaang Amerikano sa mga ebidensya hinggil sa mga ilegal na praktika ng cyber attack nito. Ani Lu, ang konklusyon ng pagsusuri ng Europa ay hindi lang nagpakita ng pagkawalang kasalanan ng Huawei, nagpatunay rin ito ng pagpipigil ng Amerika sa mga kompanyang dayuhan sa pamamagitan ng kapangyarihang pang-estado.
Salin: Jade
Pulito: Mac