Sa katuwiran ng pambansang katiwasayan, inilakip kamakailan ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang Huawei Technologies Co. Ltd, telecommunication giant ng Tsina, at 70 sangay nito sa "entity list." Kaugnay nito, tinukoy Lunes, Mayo 20, 2019 ni Embahador Zhang Ming, Puno ng Misyong Diplomatiko ng Tsina sa Unyong Europeo (EU), na sa kasalukuyang panahon ng globalisasyon, ang pagdedebelop at paggamit ng 5G network ay umaayon sa pagpapalitan at pagtutulungan ng iba't ibang bansa.
Aniya, batay sa layuning pulitikal, ginamit ng Amerika ang puwersang administratibo ng estado para mapalawak ang ideya ng pambansang katiwasayan, nagmalabis ito sa hakbangin sa pangangasiwa at pagkontrol sa pagluluwas, at ginawang isyung pulitikal ang kaukulang isyu. Di-angkop ito sa kapakanan ng anumang bansa, dagdag ni Zhang.
Salin: Vera