Kahit walang anumang batayan, inilakip nitong Huwebes, Mayo 16, 2019 ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang Huawei Company ng Tsina at 70 iba pang kaukulang bahay-kalakal sa "entity list" na binibigyan ng limitasyon sa pagluluwas. Pinagbabawalan nito ang Huawei na bumili ng mga teknolohiya o kagamitan mula sa mga bahay-kalakal na Amerikano. Layon nitong putulin ang "lifeblood" ng Huawei, pigilin ang high-tech development ng Tsina, at pangalagaan ang hegemonic status ng Amerika sa larangang pansiyensiya't panteknolohiya sa buong daigdig.
Ngunit agarang pinasimulan ng Huawei Company ang backup plan na sinubok at pinaunlad sa loob ng mahigit sampung (10) taon. Bunga nito, naigarantiya ang estratehikong seguridad at sustenableng pagsuplay ng nakakaraming produkto ng kompanyang ito. Sa harap ng napakalaking restrain measures ng Amerika, nagsagawa ang Huawei ng isang ganting-salakay sa pamamagitan ng estratehikong pananaw at diwa ng pagpupunyagi at inobasyon nito.
Ang pagbibigay-limitasyon ng Amerika ay nakakapagbigay ng malakas na negatibong epekto sa mga bahay-kalakal na Amerikano na may koneksyon sa Huawei. Ito ay nakakaapekto sa libong pagkakataon ng hanap-buhay ng Amerika; grabeng nakakasira sa kooperasyon ng global supply chain; at nagdudulot ng napakalaking pinsala sa pagsulong ng sibilisasyon, siyensiya't teknolohiya at buong sangkatauhan. Hinggil dito, magkakahiwalay na inihayag ng mga lider ng mga bansang Europeo na kinabibilangan nina Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, na hindi sila susunod sa isinasagawang "ban" ng Amerika laban sa Huawei. Ipinakikita nito na ang mapagmayabang na gawain ng Amerika na nagbibigay-dagok at pumipigil sa kalaban sa pamamagitan ng puwersang pang-estado, ay nagdudulot ng pagkapoot ng buong daigdig.
Mahigit 10 taon na ang nakararaan, ginawa ng Huawei ang sapat na paghahanda. Ang pagpapasimula ng backup plan ay nagpapakita ng estratehikong pananaw at diwa ng pagpupunyagi ng Huawei. Ang walang humpay na pagsulong ng lebel ng siyensiya't teknolohiya ng Tsina ay nakadepende sa nasabing diwa ng mga bahay-kalakal at mangangalakal ng bansa.
Salin: Li Feng