Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw, Huwebes, ika-23 ng Mayo 2019, sa Beijing, kay Heng Swee Keat, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Pananalapi ng Singapore, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na pareho ang pakikitungo ng kanyang bansa sa mga kompanyang Tsino at dayuhan. Aniya, walang humpay ding pabubutihin ng Tsina ang kapaligirang pang-negosyo, itataguyod ang pantay-pantay na kompetisyon at kooperasyon, at pasusulungin ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Ipinahayag din ni Li, na magiging bukas pa ang pinto ng Tsina sa labas. Mainit aniyang tinatanggap ng Tsina ang pagdaragdag ng mga kompanya ng iba't ibang bansang kinabibilangan ng Singapore ng pamumuhunan sa Tsina, at nakahanda ang Tsina, kasama ng Singapore, na pangalagaan ang malayang kalakalang may batayang tuntunin, para sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito at buong daigdig. Dapat pasulungin din sa bagong antas ang relasyon at kooperasyon ng Tsina at Singapore, dagdag ni Li.
Sinabi naman ni Heng, na nakahanda ang Singapore, kasama ng Tsina, na palakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalimin ang kooperasyon sa iba't ibang aspekto, at pasulungin pa ang relasyon ng dalawang bansa. Patuloy din aniyang patitingkarin ng Singapore ang positibong papel para sa pagpapasulong ng relasyon ng Association of Southeast Asian Nations at Tsina.
Salin: Liu Kai