Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga gobernador na Amerikano: Patakarang pangkalakalan ng White House, nakakapinsala sa kabuhayan; Mas mahigpit na pakikipagtulungan sa Tsina, hinikayat

(GMT+08:00) 2019-05-24 12:21:44       CRI

Buong pagkakaisang ipinahayag ng mga gobernador ng iba't ibang estado ng Estados Unidos na ang mga patakarang pangkalakalan ng White House ay nauuwi sa kawang-katiyakan at nakakapinsala ito sa kabuhayang Amerikano. Hihikayatin anila nila ang mas maraming estadong Amerikano na pahigpitin ang pakikipagtulungan sa Tsina.

Winika ito ng mga gobernador na Amerikano sa Ika-5 Porum ng mga Gobernador ng Tsina't Amerika na ginanap mula Mayo 22 hanggang Mayo 24, local time, sa Lexington, Estado ng Kentucky. Kalahok sa porum ang mga gobernador mula sa mga estado na gaya ng Tennessee, Colorado, Michigan, Washington, Kentucky at iba pa ng Amerika; at mga munisipalidad at lalawigan ng Chongqing, Shaanxi, Jiangxi, at Gansu ng Tsina.

Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika

Sinabi ni Matt Bevin, Gobernador ng Estado ng Kentucky na nahihirapan ang mga bahay-kalakal na Amerikano sa kawalang-katiyakan ng mga patakaran ng White House, at malaki rin ang ibinabayad nila hinggil dito.

Matt Bevin, Gobernador ng Estado ng Kentucky

Sinabi naman ni Cyrus Habib, Pangalawang Gobernador ng Estado ng Washington na bunga ng mga patakaran ng administrasyon ni Trump, hindi matitiyak ang kinabukasan at wala itong kabutihang maidudulot sa kanyang estado. Dagdag pa niya, bilang estadong Amerikano na nangunguna sa pagluluwas sa Tsina, buong-higpit na pinagtutuunan ng pansin ng mga mamamayan at kompanya ng Washington ang alitang pangkalakalang Sino-Amerikano at apektado na rin sila.

Cyrus Habib, Pangalawang Gobernador ng Estado ng Washington

Bilang tugon sa di-umano'y "decoupling" o paghihiwalay ng Tsina't Amerika, sinabi ni Bevin na hindi ito mangyayari dahil hindi maihihiwalay ang dalawang bansa at kinakailangan nila ang isa't isa. Iba ito sa ginagawa ng mga mamimili. Aniya, gusto ng mga mamimiling Amerikano ang mga produktong Tsino samantala kailangan ng mga Tsino ang mga produkto at serbisyo mula sa Amerika. Nakakabuti sa Amerika ang mas malakas na Tsina at nakakabuti rin sa Tsina ang mas malakas na Amerika, dagdag pa ni Bevin.

Diin ni Habib, ang pananalitang "decoupling" ay hindi naka-ugat sa mga kinakailangan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Ang gusto ng bawat tao ay ikabubuti ng pinakamalaking benepisyong dulot ng kalakalan ng dalawang bansa at mga pagsisikap rito na gaya ng pagbabawas ng trade barriers.

Saad din ni Habib, ang estado ng Washington ay nangunguna sa pakikipag-ugnayan sa Tsina, at isa sa mga pakay ng kanyang paglahok sa nasabing porum ay ibahagi sa mga kinatawan mula sa ibang 18 estado ang matagumpay na karanasan ng Washington. Sa gayon, mapapabilis ng mga estadong Amerikano ang pakikipagpapalitan at pakikipagtulungan sa Tsina, sa iba't ibang sektor na gaya ng edukasyon, kabuhayan, kultura at iba pa. Ipinahayag naman ng mga kinatawan ang interes hinggil dito, dagdag ni Habib.

Ang Porum ng mga Gobernador ng Tsina't Amerika ay opisyal na inilunsad noong Pebrero, 2011. Mahalagang plataporma ito sa pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga pamahalaang lokal ng dalawang bansa.

Si Liu Guozhong, Gobernador ng lalawigang Shaanxi

Si Tang Liangzhi, Alkalde ng Munisipalidad na Chongqing

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>