Ipinahayag nitong Lunes, Mayo 20, local time, sa Brussels, Belgium ni Zhang Ming, Puno ng Misyong Tsino sa Uniyong Europeo (EU) na ang pagtutulungan ay ang siyang tanging tumpak na pagpili ng Tsina at Amerika.
Kaugnay ng kasalukuyang alitang pangkalakalan ng dalawang bansa, ipinahayag ni Sugong Zhang na ang pangunguna ng panig Amerikano sa pagpapataw ng taripa sa Tsina ay nakapinsala sa talastasang pangkalakalan ng dalawang bansa. Maaapektuhan nito hindi lamang ang interes ng Tsina, kundi pati ng Amerika, dagdag pa ni Zhang.
Hiniling ng sugong Tsino sa panig Amerikano na bumalik sa hapag ng talastasan at ipagpatuloy ang konsultasyon batay sa pagkakapantay at paggagalangan.
Salin: Jade
Pulido: Mac