Ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang narating na kasunduan ang Tsina't Amerika sa katatapos na Ika-11 Round ng Talastasang Pangkalakalan ng dalawang bansa. Diin ni Lu, ang dahilan dito ay ang paghahanap ng panig Amerikano ng di-makatwirang kahilangan ayon sa sariling interes sa pamamagitan ng pagpapataw ng labis na presyur.
Winika ito ni Lu sa regular na preskon nitong Lunes, Mayo 20, bilang tugon sa pananalita ni Pangulong Donald Trump ng Amerika. Ani Trump, narating na ng Tsina't Amerika ang kasunduan, pero, ang Tsina ay sumira sa kasunduan.
Hiniling din ni Lu sa panig Amerikano na bumalik sa landas ng paggagalangan, pagkakapantay-pantay, at may mutuwal na kapakinabangan para magtagumpay.
Salin: Jade
Pulido: Mac