Sa resepsyon bilang pagdiriwang sa Eid al-Fitr na idinaos kahapon, Lunes, ika-27 ng Mayo 2019, sa Jakarta, Indonesya, ng Misyon ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na dapat gumalang sa isa't isa ang iba't ibang bansa, grupong etniko, at relihiyon, at ang pagpapalitan at pag-aaral sa isa't isa ng mga sibilisasyon ay komong ideya at paninindigan sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Dagdag ni Huang, sa Conference on Dialogue of Asian Civilizations na idinaos kamakailan sa Beijing, muling ipinahayag ng Tsina ang kahandaan, kasama ng mga bansang ASEAN, na pahalagahan ang kagandahan ng mga sibilisasyon ng isa't isa, at dagdagan ng lakas ang pag-unlad ng iba't ibang sibilisasyon. Ipinahayag din niya ang pag-asang sa pamamagitan ng Belt and Road Initiative, palalakasin ng Tsina at mga may kinalamang bansa ang pagpapalitan ng mga sibilisasyon at ipagpapatuloy ang integrasyon ng mga sibilisasyong Asyano.
Salin: Liu Kai