Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CGTN anchor Liu Xin at Fox host Trish Regan, nagkaroon ng live television discussion

(GMT+08:00) 2019-05-30 14:48:06       CRI

Alas-8:25 ng umaga, Huwebes, Mayo 30 (Beijing time), nagkaroon ng debatehan ang China Global Television Network (CGTN) anchor na si Liu Xin at Fox Business Network host na si Trish Regan tungkol sa taripa, karapatan ng pagmamay-ari sa likhang-isip, at iba pang isyu. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng direktang debatehan ang mga anchor na Tsino at Amerikano.

Labing-anim na minutong nagdiyalogo ang dalawa tungkol sa mga temang kinabibilangan ng pantay na kalakalan, karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip, taripa, katayuan ng Tsina bilang isang umuunlad na bansa, at umano'y "state capitalism" ng panig Amerikano. Sa sariling karanasan, inilahad ni Liu ang kanyang palagay sa trade friction ng Tsina at Amerika. Umaasa aniya siyang mabibigyan ng mas maraming pansin ni Trish ang pagsulong ng mga umuunlad na bansa, at winiwelkam niya ang pagbiyahe ni Trish sa Tsina.

Kaugnay ng trade talks ng Tsina at Amerika, sinabi ni Liu na kung may katapatan ang panig Amerikano at bibigyang-galang ang kinatawang Tsino, nananalig siyang magkakaroon ng isang mabuting resulta. Hindi aniya nakakabuti ang trade war sa kapwa panig.

Kaugnay naman ng isyu ng taripa, sinabi ni Liu na sa pamamagitan ng pagbabawas ng taripa, puwedeng bilhin ng mga mamimiling Tsino at Amerikano ang mga produkto ng dalawang bansa sa mas mababang presyo. Aniya, ang kasalukuyang daigdig ay pinangangasiwaan ng mga regulasyon, kung nais baguhin ng isang panig ang regulasyon, dapat munang kunin ang pagkakasundo ng mga kaukulang panig. Hindi dapat isagawa ng panig Amerikano ang kakaibang trato sa Tsina, at ang pagbabawas ng taripa ay dapat maging isang multilateral na komong kapasiyahan, dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Liu na sobrang laki ang kabuuang bolyum ng kabuhayang Tsino. Ngunit mayroong 1.4 bilyong populasyon ang Tsina, at ang Real GDP per capita ng Tsina ay hindi nakakaabot sa 1/6 sa Amerika. Aniya, nagiging kombinado, nagkakaibang uri, masigla, at bukas ang sistemang ekonomiko ng Tsina. Aniya, halos 80% trabaho at 80% pagluluwas ay ipinagkakaloob ng mga pribadong bahay-kalakal ng Tsina, at 65% inobasyon ay naisakatuparan ng mga pribadong bahay-kalakal. Ang ilang makabagong kompanyang Tsino na tulad sa larangan ng internet at 5G, ay pawang mga pribadong bahay-kalakal, aniya pa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>