|
||||||||
|
||
Kamakailan, pinasimulan ng panig Amerikano ang pagdaragdag ng 25% taripa sa mga inaangkat na produktong Tsino na nagkakahalaga ng halos 200 bilyong dolyares, at ginamit nito ang puwersang pang-estado sa walang batayang pag-atake at pagpigil sa mga bahay-kalakal na Tsino.
Sa isang panayam kaugnay nito, tinukoy ni Gao Yan, Puno ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT), na ang ginagawang kilos ng ekonomikong hegemonya ng Amerika ay grabeng humahadlang sa trade talks ng Tsina at Amerika, at grabe itong lumalabag sa regulasyon ng multilateral na kalakalan. Isinasapanganib din aniya nito ang global supply chains, tumataliwas sa mga prinsipyo ng kompetisyong pampamilihan, pundamental na moralidad na komersyal, at sa tunguhin ng globalisasyong pangkabuhayan.
Ipinahayag niya na walang anumang mananalo sa trade war. Aniya, ang mga mapagmayabang na kagawian ng panig Amerikano ay hindi lamang nakakapagbigay ng mga epekto sa mga bahaya-kalakal ng Tsina, kundi nakakaapekto rin sa mga bahay-kalakal at mamimiling Amerikano at sa kabuhayang pandaigdig.
Dagdag pa niya, ang mga trade protectionism measures ng Amerika ay hindi makakapagpigil sa mainam na tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at hindi magpapabago sa nakatakdang patakaran ng Tsina sa pagpapasulong ng reporma at pagpapalawak ng pagbubukas.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |