Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ibayo pang pagbubukas ng sektor pinansyal, pinapatupad ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-05-31 16:09:58       CRI

Ipinahayag ni Yi Gang, Gobernador ng People's Bank of China (PBC), bangko sentral ng bansa na pinapatupad ng kanyang bangko at ibang mga institusyong pinansyal ng Tsina ang pangako ng pangulong Tsino sa taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) nitong nagdaang Abril, na ibayo pang mapaginhawa ang pagpasok sa pamilihang Tsino ng mga dayuhang bangko, dayuhang kompanya ng seguro, at dayuhang kompanya ng securities. Natamo nito ang konkretong progreso, diin ni Yi.

Winika ito ni Yi nitong Huwebes, Mayo 30 sa 2019 Annual Conference of Financial Street Forum sa Beijing. Dagdag ni Yi, sa kasalukuyan, binibigyan ng PBC ng national treatment ang mga dayuhang institusyong pinansyal sa larangan ng credit inquiry, credit rating, pagbabayad, at iba pa.

Ayon sa pinakahuling datos, hanggang Abril, 2019, 215 bangkong dayuhan mula sa 54 na bansa't rehiyon ang nagbukas ng sangay o ahensiya sa Tsina. Samantala, 59 na sangay at 14 na ahensya ang nabuksan sa Tsina ng mga dayuhang kompanya ng seguro mula sa 16 na bansa't rehiyon.

Sinabi naman ni Matthew Rous, Punong Tagapagpaganap ng China-Britain Business Council (CBBC), na sapul nang ipatalastas ng pamahalaang Tsino ang ibayo pang pagbubukas, maraming institusyong pinansyal ng Britanya, lalo na mga kompanya ng pangangasiwa sa ari-arian at kompanya ng seguro, ang nagsusuri sa pamilihang Tsino. Dagdag pa niya, para sa nasabing kompanyang Britaniko, ang Belt and Road Initiative (BRI) ay napakahalagang pagkakataon. Diin ni Rous, sa proseso ng magkakasamang pagpapasulong ng BRI, kinakailangan ang propesyonal na serbisyong pinansyal, kung saan magaling ang mga institusyong pinansyal ng Britanya.

Ang Financial Street ay matatagpuan sa Xicheng District ng Beijing, kung saan nakahimpilan ang maraming kilalang institusyong Tsino't dayuhan. Ipinahayag ni Yi ang suporta ng pamahalaang Tsino sa pagsasagawa ng mga pilot project sa sektor pinansyal sa Financial Street.

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>