Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Limang hakbang, magpapasulong ng ibayo pang pagbubukas ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-04-27 09:48:47       CRI

Sa kanyang talumpati nitong Biyernes, Abril 26 sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang limang bagong hakbang para sa ibayo pang pagbubukas sa labas ng bansa. Ipinakikita sa mundo ng pinakahuling desisyon ng Tsina, na sa proseso ng ibayo pang pagbubukas sa labas, hindi lamang pinasulsulong ng Tsina ang de-kalidad na pag-unlad ng mga kasapi ng Belt and Road Initiative (BRI), magkakaloob din ito ng mga bagong oportunidad para sa pag-unlad ng daigdig at magbibigay-suporta sa pagpapabuti ng pangangasiwa sa pandaigdig na kabuhayan.

Ang una sa limang gagawing hakbang ng Tsina ay pagbubukas ng mas maraming sektor para sa pagpasok ng mga pondong dayuhan. Para rito, babawasan pa ng Tsina ang bilang ng mga ipinagbabawal na larangan sa negative list para pahintulutan ang mga mamumuhunang dayuhan na pumasok sa mas maraming sektor na gaya ng makabagong serbisyo, industriya ng paggawa, at agrikultura. Noong 2018, binawasan na ng Tsina ang bilang ng mga ipinagbabawal na larangan sa negative list sa 48 mula sa 63, at bunga nito, ibayo pang nagbukas sa puhunang dayuhan ang mga sektor na gaya ng pinansya, sasakyang-de-motor, pagbabapor, daambakal, pagmimina, at power grid. Makakabuti ito sa pagpapatupad sa bagong-labas na Batas sa Puhunang Dayuhan para makalikha ng pantay-pantay na kapaligirang pangnegosyo para sa mga bahay-kalakal na dayuhan.

Pangalawa, ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang pandaigdig na kooperasyon sa pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip (IPR). Paliwanag ni Xi, kabilang sa mga hakbang na gagawin ng Tsina ay paglikha ng kapaligirang pangnegosyo na nagbibigay-galang sa IPR, pagpapabuti ng sistemang pambatas ng IPR sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pagpapatupad sa batas at pagpapaibayo sa proteksyon sa IPR ng mga bahay-kalakal na dayuhan, pagbabawal sa sapilitang paglilipat ng teknolohiya, pagpapasulong ng pangangalaga sa mga lihim na komersyal, pagpapasulong ng mga may kinalamang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan, at iba pa.

Pangatlo, ibayo pang palalakihin ang pag-aangkat ng mga paninda at serbisyo. Ipinangako ni Xi na ibayo pang ibababa ng Tsina ang taripa at babawasan ang mga non-tariff barriers, at pag-aangkat ng mas maraming de-kalidad na produktong agrikultural, finished product, at serbisyo.

Pang-apat, pahihigpitin ng Tsina ang pakikipagkoorida sa mga patakaran ng macro-economy, para magkakasamang mapasulong ang malakas, sustenable, balanse, at inklusibong pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Dagdag pa ni Xi, hindi makakapinsala ang Tsina sa interes ng ibang bansa sa pamamagitan ng pagbababa ng halaga ng salaping Tsino. Sa halip, patuloy na pabubutihin ng bansa ang mekanismo ng pagbuo ng RMB exchange rate para mapasulong ang katatagan ng kabuhayang pandaigdig, diin ni Xi. Inulit din ni Xi ang suporta at aktibong pakikilahok ng Tsina sa reporma ng World Trade Organization para magkakasamang itatag ang pandaigdig na mekanismong pangkabuhaya't pangkalakalan sa mas mataas na antas.

Panlima, mas aktibong magpapatupad ang Tsina sa mga patakaran at hakbang ng ibayo pang pagbubukas sa labas. Diin ni Xi, lubos na pinahalalagahan ng Tsina ang pagpapatupad sa mga bilateral at multilateral na kasunduang pangkabuhaya't pangkalakalan na nilagdaan nito, kasama ang iba pang mga panig. Bukod dito, batay sa kahilingan ng ibayo pang pagbubukas, sinusugan at pinabuti na, at sususugan at pabubutihin pa ng Tsina ang mga batas at regulasyon. Ipinakikita nito ang kahandaan at kakahayan ng Tsina sa pagsasagawa ng aksyon.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>