Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ilalabas ng bansa ang mas maraming hakbang para ibayo pang magbukas sa labas. Kabilang dito ay pagbubukas ng mas maraming sektor para sa pagpasok ng mga pondong dayuhan, ibayo pang pagpapahigpit ng pakikipagtulungang pandaigdig sa pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip (IPR), pag-aangkat ng mas maraming panininda at serbisyo, pagpapasulong ng pandaigdig na koordinasyon sa mga patakaran sa macro-economy ng iba't ibang bansa, mas aktibong pagpapatupad sa mga patakaran at hakbang ng ibayo pang pagbubukas sa labas.
Winika ito ni Xi sa kanyang talumpati ngayong araw, Abril 26 sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).
Salin: Jade
Pulido: Rhio