Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-31 ng Mayo 2019, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na dapat ikintal sa isip ang orihinal na aspirasyon at misyon ng CPC na isakatuparan ang kaligayahan ng mga mamamayan at pag-ahon ng nasyong Tsino.
Winika ito ni Xi, sa seremonya ng pagsisimula ng isang kampanya sa lahat ng mga miyembro, lalong-lalo na mga opisyal ng CPC, na may temang "huwag kalimutan ang orihinal na aspirasyon at ikintal sa isip ang mga misyon."
Salin: Liu Kai