Nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-31 ng Mayo 2019, sa Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya na si Prak Sokhonn.
Ipinahayag ni Li ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Kambodya, na palakasin ang pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran, pasulungin ang kooperasyon sa mga pangunahing larangan, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng bilateral na relasyon. Umaasa rin aniya si Li, na palalalimin ng Tsina at Kambodya ang kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at magkasamang pasusulungin ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea, para pangalagaan ang matatag na kapaligirang kinakailangan para sa pag-unlad sa rehiyong ito.
Sinabi naman ni Prak Sokhonn, na nakahanda ang Kambodya, kasama ng Tsina, na palakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalimin ang koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa na maging mas maganda.
Salin: Liu Kai