Kinatagpo Mayo 15, 2019, dito sa Beijing ni Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina si Norodom Sihamoni, Hari ng Kambodya na lumalahok sa Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC).
Ipinahayag ni Wang na mahaba ang kasaysayan ng pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya, at ang relasyon ng dalawang bansa ay nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan. Aniya, dapat hawak-kamay ang iba't ibang bansang Asyano, para maisakatuparan ang bagong pag-unlad ng Asya at magkakasamang itatag ang community with shared future for mankind.
Ipinahayag naman ni Sihamoni na masayang-masaya siyang dumalo sa CDAC. Pinapurihan din niya ang mga mungkahi at paninindigan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, nakahanda ang Kambodya na palakasin ang pagpapalitan at kooperasyon sa Tsina sa iba't ibang larangan, upang magtamo ng mas malaking pag-unlad ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon.
Salin:Lele