Sa liham na ipinadala kahapon, Biyernes, ika-31 ng Mayo 2019, sa mga estudyante ng isang primary school sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa lahat ng mga bata sa buong bansa para sa Pandaigdig na Araw ng mga Bata.
Ang liham na ito ay bilang sagot sa liham na ipinadala nauna rito kay Xi ng mga estudyante ng Premier School Affiliated to Hou Kong Middle School ng Macao. Sa kanilang liham, inilahad ng mga bata ang pagkaunawa sa salitang "inangbayan," at ipinahayag ang adhikaing makamit ang mas magandang kinabukasan sa inangbayan at Macao kapag malaki sila.
Bilang sagot, ipinahayag naman ni Xi ang papuri sa mga bata para sa kanilang pagmamahal sa inangbayan at Macao. Umaasa rin aniya siyang magbibigay ang mga bata ng mas malaking ambag sa konstruksyon ng Macao at pag-ahon ng nasyong Tsino sa hinaharap.
Salin: Liu Kai