Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Malaking kaibigan" ng mga bata, isa pang identidad ni Xi Jinping

(GMT+08:00) 2019-02-08 20:25:34       CRI

Sa harap ng mga bata, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na siya ay "malaking kaibigan" ng mga bata, at pinahahalagahan niya ang edukasyon ng kabataan. Sa maraming okasyon, ipinahayag ni Xi ang kanyang pagpapahalaga at pag-asa para sa mga susunod na henerasyon. Sa kanyang pagbisita sa dating paaralan, sinabi ni Xi, namalaki ang respeto at pag-asa niya sa mga guro na nagsisilbing malaking puwersang tagapagpasulong sa usapin ng edukasyon ng bansa. Sa espesyal na usap-usapan sa araw na ito, ilalahad namin ang "isa pang bahagi ng paniniwala ni Xi Jinping."

"Papalapit na ang 'International Children's Day,' sa ngalan ng inyong malaking kaibigan, binabati ko ng Happy Children's Day ang lahat ng bata ng iba't-ibang nasyonalidad ng buong bansa. Maligayang Araw ng mga Bata."

Noong taong 2013, sa bisperas ng International Children's Day, sa ngalan ng "malaking kaibigan," inilahad ni Xi ang mensaheng pambati sa mga bata sa buong bansa. Aniya, pinakamahal na panahon ang pagkabata para sa lahat ng tao. Sa panahon ng kanyang pagbisita, ibinahagi ni Xi ang kanyang karanasan sa pagkabata sa kanyang mga mumunting kaibigan. Sa bisperas naman ng International Children's Day noong 2014, ibinahagi ni Xi ang kanyang dalawang childhood stories sa mga estudyante ng Beijing Haidian Minzu Primary School.

Sapul noong Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), mula Children's Palace sa Great Hall of the People, mula Children Welfare Office sa pansamantalang panirahan ng mga biktima ng lindol, kasama ni Xi ang mga bata na nagpalipas ng Children's Day at nagbigay ng mensaheng pambati sa mga bata ng buong bansa. Binigyang-diin ni Xi ang di-mapapalitang importansya ng alaala sa buong buhay ng mga bata. Sa nasabing mga okasyon, taglay ng pinakamataas na lider ng Tsina, taos-pusong pag-asa para sa mga bata.

Ang pagsisilbi bilang guro ay pinakadakilang karera. Sa bisperas ng Teacher's Day noong 2016, bumalik si Xi sa kanyang dating paaralan na Beijing Bayi School para kumustahin ang mga guro roon.

Sa mata ni Pangulong Xi, "Ang Edukasyon ay Pundasyon ng Isandaang Taong Pambansang Estratehiya." Ang mga guro aniya ay pundasyon ng edukasyon, at sila'y nagsasabalikat ng mahalagang tungkulin upang igarantiya ang malusog na paglaki ng mga bata at mabuting isagawa ang pagbibigay ng edukasyon.

Sinabi ni Pangulong Xi na:

"Masuwerte ang isang tao sa kanyang buhay kung mayroon siyang isang mabuting guro; karangalan ng isang paaralan ang pagkakaroon ng mabuting guro, at pag-asa ng isang nasyon ang walang humpay na pag-usbong ng mga mabuting guro."

Salin: Lito
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>