Binuksan kahapon, Biyernes, ika-31 ng Mayo 2019, sa Singapore ang Ika-18 Shangri-La Dialogue.
Sa kanyang talumpati sa bangkete ng pulong, sinabi ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, na ang relasyong Sino-Amerikano ay pinakamahalagang bilateral na relasyon sa kasalukuyang daigdig. Ipinalalagay niyang, kung paano hahawakan ng dalawang bansa ang kanilang tensyon at alitan ay magtatakda ng pandaigdig na kapaligiran sa hinaharap.
Ipinahayag din ni Lee ang pagkabahala ng Singapore, bilang maliit na bansa, sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig. Nanawagan siyang lumikha ng dipersipikado, bukas, at matatag na kalagayang pandaigdig, para isakatuparan ng iba't ibang bansa ang kasaganaan at kaunlaran sa mapayapang kapaligiran.
Salin: Liu Kai