Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahalagang punto ng television discussion ng mga anchor na Tsino at Amerikano

(GMT+08:00) 2019-05-31 10:52:07       CRI
Nagkaroon Huwebes, ika-30 ng Mayo 2019, ng live television discussion ang China Global Television Network (CGTN) anchor na si Liu Xin at Fox Business Network host na si Trish Regan tungkol sa mga isyung pangkalakalan ng Tsina at Amerika. 16 na minuto lamang ang tagal ng talakayan, pero ilang punto ang karapat-dapat na pag-isipan.

Una, paggalang sa isa't isa

Sa talakayan, matimpi at mahinahon ang kapwa anchor, at ipinakita nila ang paggagalangan, katapatan, at kagandahang-loob. Sinagot ni Liu ang bawat tanong sa pamamagitan ng mataimtim na pag-isip. Hindi naman mapagmataas si Regan gaya ng kanyang gawi sa mga dating programa.

Hindi rin iniwasan ng dalawang anchor ang mga mahalagang paksa sa talakayan. Bagama't magkakaiba ang kani-kanilang posisyon sa mga isyung ito, ipinahayag pa rin nila ang kahandaang ipagpatuloy ang pag-uusap.

Ika-2, pantay na pagpapalitan

Sa kasalukuyang kalagayan ng alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, ang pagsasagawa ng dalawang anchor ng pantay na pagpapalitan ay nagpapakitang ang diyalogo ay mas mabuti kaysa konprontasyon.

Ito rin ay inspirasyon sa pagsasanggunian sa isyung pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Sa kabila ng mga tensyon, kung may katapatan ang dalawang panig sa talastasan, ganap na posible ang kanilang pantay na pagpapalitan at ito ay karapat-dapat na solusyon sa mga isyu.

Ika-3, pag-aalis ng mga maling pagkaunawa

Mula sa talakayan, napagtanto nating mayroong maraming maling pagkaunawa ang mga Amerikano tungkol sa Tsina, at ito ay dahil sa kanilang kakulangan sa tunay na kaalaman sa Tsina. Inanyayahan ni Liu si Regan na bumisita sa Tsina, at ito ay pinakamabuting paraan para malaman ang tunay na Tsina.

Ang maling pagkaunawa ay nagdudulot ng mga problema sa pagitan ng Tsina at Amerika. Ang solusyon ay paggagalangan at pantay na pagpapalitan, sa halip na konprontasyon. Ipinadala ng talakayan nina Liu at Regan ang isang mensaheng "sa pagitan ng Tsina at Amerika, ang diyalogo ay mas mabuti kaysa konprontasyon, at ang pagkakapantay-pantay ay mas mabuti kaysa pagmamataas." Ang mensaheng ito ay karapat-dapat na pag-isipan ng mga tao.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>