|
||||||||
|
||
Linggo, Hunyo 2, 2019, inilabas ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa paninindigan ng Tsina sa pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Layon nitong komprehensibong isalaysay ang pundamental na kalagayan ng nasabing pagsasanggunian, at ilahad ang mga patakaran at paninindigan ng Tsina sa pagsasangguniang ito.
Ito ang ika-2 beses nang pagpapalabas ng panig Tsino ng white paper hinggil sa isyung pangkabuhaya't pangkalakalan sa Amerika. Ang unang white paper na inilabas ng Tsina hinggil sa naturang alitang pangkabuhaya't pangkalakalan ay noong nagdaang Setyembre.
Bukod sa paunang salita at konklusyon, may tatlong bahagi ang naturang white paper: ang alitang pangkabuhaya't pangkalakalan sa Tsina na inilunsad ng Amerika ay nakakapinsala sa interes ng dalawang bansa, maging ng buong mundo; di-matapat at pabagu-bago ang paninindigan ng Amerika sa nabanggit na pagsasanggunian; at sa mula't mula pa'y paggigiit ng Tsina ng pantay-pantay at matapat na panininidigang may mutuwal na kapakinabangan sa pamamagitan ng pagsasanggunian.
Diin ng white paper na palagian at malinaw ang pakikitungo ng Tsina, at ang kooperasyon ay siyang tanging tumpak na pagpili ng kapuwa panig. Anito, kaugnay ng alitang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa, nakahanda ang Tsina na resolbahin ito sa pamamagitan ng kooperatibong paraan, at pasulungin ang pagkakaroon ng kasunduang may mutuwal na kapakinbangan at win-win result.
Ayaw ng Tsina na ilunsad ang trade war, pero hindi ito natatakot na sapilitang gumanti, anang white paper.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |