Ayon sa white paper na pinamagatang "Posisyon ng Panig Tsino sa Pagsasangguniang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika" na inilabas Linggo, Hunyo 2, 2019, ipinagdiinan nito na ang kooperasyon ay siyang tanging tumpak na pagpili ng Tsina at Amerika. Ang mga pagkakaiba ng dalawang panig sa trade talks, ay dapat lutasin sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, anito pa.
Anang white paper, ang pagkakaroon ng Tsina at Amerika ng isang kasunduang may mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta, ay angkop sa kapakanan ng dalawang panig. Ito anito ay tumutugma sa inaasahan ng iba't-ibang bansa sa daigdig.
Salin: Li Feng