|
||||||||
|
||
Ayon sa Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina, sa magkakasamang pagsisikap ng iba't-ibang panig, mayroon nang commercial-use foundation ang 5G technology ng Tsina. Sa malapit na hinaharap, ipamimigay ng nasabing ministri ang 5G commercial-use license na pormal na magpapasok ang Tsina sa panahon ng 5G commercial-use.
Ayon sa salaysay, sa kasalukuyan, pumapasok ang buong daigdig sa masusing panahon ng komersyal na paggamit ng 5G. Bunga ng sarilinang inobasyon, pagbubukas, at kooperasyon, mayroong bentahe sa kompetisyon ang 5G industry ng Tsina.
Sa hinaharap, tulad ng dati, tatanggapin ng Tsina ang aktibong pakikilahok ng mga Tsino at dayuhang bahay-kalakal sa konstruksyon ng network ng 5G. Itataguyod ang 5G para magkakasamang tamasahin ang bunga ng Chinese 5G development.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |