|
||||||||
|
||
Nitong Huwebes, Hunyo 6, 2019, pinasinayaan sa Beijing ang China Pavilion Day event sa Beijing International Horticultural Exhibition. Dumalo at bumigkas ng talumpati sa aktibidad si Hu Chunhua, Pangalawang Premyer ng Tsina at Puno ng Komisyong Tagapag-organisa ng Beijing International Horticultural Exhibition.
Tinukoy ni Hu na ang mahalagang talumpating binigkas ni Pangulong Xi Jinping sa seremonya ng pagbubukas ng nasabing ekspo ay sistematikong inihalad ang matatag na determinasyon ng Tsina sa paghahanap ng konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal sa daigdig, at magkakasamang pagtatatag ng magandang mundo.
Ani Hu, nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa iba't-ibang bansa sa daigdig para mapasulong ang magkakasamang pagtatayo ng berdeng "Belt and Road," mapaunlad ang pundasyong industriyal ng luntiang pag-unlad, at maisakatuparan ang mainam na hangarin nang maharmoniyang pakikipamuhayan ng mga tao at kalikasan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |