Sa pulong ng Board of Governors ng International Atomic Energy Agency (IAEA), nanawagan Martes, Hunyo 11, 2019 si Wang Qun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN) at Ibang Organisasyong Pandaigdig sa Vienna, sa iba't ibang panig na bumalik sa landas ng komprehensibong pagpapatupad ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) o Iran nuclear deal.
Ani Wang, ang JCPOA ay multilateral na kasunduang sinuri't inaprobahan ng UN Security Council, at karapat-dapat na komprehensibong ipatupad ito. Pero sanhi ng "maximum pressure" at unilateral na sangsyon ng panig Amerikano, kinakaharap ng pagpapatupad ng kasunduan ang matinding hamon, at nananatiling maigting ang kalagayan ng Gitnang Silangan.
Dagdag niya, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, inaasahan ng panig Tsino na komprehensibong ipapatupad ng panig Iranyo ang mga obligasyon sa larangang nuklear. Inaasahan rin aniya ang Tsina, na isasagawa ng IAEA ang pagsusuperbisa at pagsusuri, batay sa obdiyektibo, makatarungan, at propesyonal na paraan. Nanawagan din siya sa panig Amerikano na itakwil ang mga kilos na gaya ng "maximum pressure" at unilateral na sangsyon, at bumalik sa landas ng pagpapatupad ng JCPOA.
Salin: Vera