Ipinahayag ika-3 ng Hunyo, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang paggarantiya ng mabisang pagsasakatuparan ng komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran ay tanging paraan para sa pagpapahupa ng tensyon at paglutas ng isyu.
Aniya, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, para sa paglutas ng isyung ito, at patuloy ding pangangalagaan nito ang sariling interes ayon sa batas.
Noong ika-30 ng Mayo, inilabas ang pinakahuling ulat ng International Atomic Energy Agency (IAEA), muli nitong tiniyak na tinutupad ng Iran ang obligasyon sa pagsasakatuparan ng komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran.
Salin:Lele