|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Mayo 25, 2019, dumating ng Baghdad si Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran para pasimulan ang kanyang dalawang araw na biyahe sa Iraq. Pag-uusapan nina Zarif at mga lider ng Iran ang tungkol sa maigting na situwasyon sa pagitan ng Amerika at Iran, at iba pa.
Ayon sa ulat, kakausapin ni Zarif ang pangulo, punong ministro, ispiker ng parliamento, at ministrong panlabas ng Iraq para talakayin ang hinggil sa pagpapalakas ng bilateral na relasyon, kasalukuyang situwasyong panrehiyon, isyu ng Amerika at Iran, at iba pang isyu.
Ipinahayag Sabado ni Mohamed al-Halbousi, Ispiker ng Parliamento ng Iraq, na napapanatili ng Iraq ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Amerika at Iran. Aniya, kung aanyayahan, nakahanda ang kanyang bansa na isagawa ang medyasyon sa isyu ng Amerika at Iran..
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |