Ginawaran nitong Miyerkules, ika-12 ng Hunyo 2019, ng George H. W. Bush Foundation for U.S.-China Relations ng unang George H. W. Bush Award for Statesmanship in U.S.-China Relations si Jimmy Carter, dating Pangulo ng Amerika, bilang papuri sa kanyang namumukod na ambag sa pag-unlad ng relasyong Amerikano-Sino.
Si Carter, 94 na taong gulang sa kasalukuyan, ay dating Pangulo ng Amerika galing sa Democratic Party. Sa loob ng kanyang termino, naitatag ang relasyong diplomatiko ng Amerika at Tsina. Samantala, si Bush naman ay Republican, at bago nanungkulan bilang Pangulo ng Amerika, nakatalaga siya noong 1974 hanggang 1975 sa Tsina bilang direktor ng tanggapang liasyon ng Amerika.
Sa background ng kasalukuyang pagsidhi ng alitang pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at paglilitaw ng tensyon ng relasyon ng dalawang bansa, isang Pangulong Democrat ang ginawaran ng gantimpalang pinangangalanan ng isang Pangulong Republican. Ipinakikita nitong, sa aspekto ng komong palagay at mithiin sa pangangalaga sa relasyon at pagkakaibigan ng Amerika at Tsina, ang pangmalayuang pananaw ng mga piling estadistang Amerikano ay nangingibabaw sa mga makitid na interes sa pagitan ng mga partido. Bilang estadistang nagbigay-ambag sa pagtatatag ng relasyong Amerikano-Sino, ang pagkakaroon ni Carter ng gantimpala ay isang paraan ng pagpuna sa ideyang "dapat humiwalay ang Amerika sa Tsina."
Sinabi minsan ni Carter na "we knew that the U.S. and China had vastly different cultures, histories, forms of government, interests, and levels of development. But we also believed that the goals that bound us together --mutual respect, the pursuit of peace, prosperity, and progress-- were much more important than the differences that divided us." Sinabi naman minsan ni Bush, na "one of my dreams for our world is that these two powerful giants will continue working toward a full partnership and friendship that will bring peace and prosperity to people everywhere."
Ang nabanggit na mga pananalita ng dalawang beterenong estadista ay hiwatig sa kasalukuyang mga estadistang Amerikano, na hindi dapat magkahiwalay ang Amerika at Tsina, dahil nagkakaroon ang dalawang bansa ng madalas na pagpapalagayan at maraming komong interes. Ang pagtutulungan ng dalawang bansa ay paborable hindi lamang sa Tsina, kundi rin sa Amerika, at pati sa buong mundo.
Salin: Liu Kai