Ipinahayag kamakailan nina Absamat Massaliev, Presidente ng Parti Kommunistov Kyrgyzstana, at Sheradil, Eksperto ng Instituto ng Pananaliksik sa Estratehiyang Pang-estado ng Kyrgyzstan, na ang isinasagawang unilateralismong pangkalakalan ng Amerika ay nakakasira sa regulasyon ng pandaigdigang kalakalan, at tumataliwas ito sa tunguhin ng siglo.
Sa isang panayam, sinabi ni Massaliev na ang Tsina at Amerika ay dalawang malaking ekonomiya sa daigdig. Aniya, ang katatagang ekonomiko ng iba pang mga bansa sa daigdig ay nakadepende sa matatag na relasyong pangkabuhayan ng Tsina at Amerika.
Kaugnay ng pag-atake at pagpigil ng Amerika sa siyentipikong bahay-kalakal ng Tsina sa katwirang umano'y "banta sa kaligtasan," sinabi ni Massaliev na ito ay nakapalinaw na proteksyonismo na grabeng nakakasira sa regulasyon ng kalakalang pandaigdig. Sinabi naman ni Sheradil na nagiging paraang kahiya-hiya ang pagpigil sa dayuhang bahay-kalakal sa walang anumang batayang katwiran ng "pambansang seguridad."
Salin: Li Feng