Idinaos ngayong araw, Sabado, ika-15 ng Hunyo 2019, sa Dushanbe, Tajikistan, ang Ika-5 Summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA).
Sa kanyang talumpati sa summit, nananawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para magkakasamang magbukas ng bagong kalagayan ng katiwasayan at kaunlaran ng Asya. Dagdag nita, kailangang magsikap ang iba't ibang panig, para itatag ang Asyang may paggagalangan, pagtitiwalaan, katiwasayan, katatagan, kaunlaran, kasaganaan, pagbubukas, pagiging inklusibo, at kooperasyon sa inobasyon.
Sinabi rin ni Xi, na buong tatag na tatahakin ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad, igigiit ang pagbubukas at win-win situation, at itataguyod ang multilateralismo, para lumikha, kasama ng iba't ibang panig, ng magandang kinabukasan ng Asya at buong daigdig.
Salin: Liu Kai