Idinaos nitong Linggo, Hunyo 16, sa Cairo, Ehipto ang Pandaigdig na Porum hinggil sa Belt and Road Initiative at mga Bagong Praktika ng Pagtutulungang Sino-Aprikano. Lumahok dito ang mahigit 80 opisyal, mangangalakal at dalubhasa mula sa Tsina, Nigeria, Kenya, Ehipto at iba pa.
Kabilang sa mga pangunahing paksa ang pagtutulungan ng Tsina at mga bansang Aprikano sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI), relasyon ng Tsina't Ehipto sa ilalim ng BRI, industriyalisasyon at bokasyonal na edukasyong panteknolohiya ng Aprika, at iba pa.
Ang nasabing porum ay nasa magkasamang pagtataguyod ng Belt and Road African Studies Alliance at Ain Shams University ng Ehipto. Ang Ehipto ay nagsisilbi bilang bansang tagapangulo ng African Union (AU) para sa taong 2019.
Salin: Jade
Pulido: Rhio