|
||||||||
|
||
Martes ng gabi, Hunyo 18 (local time), 2019, pormal na inilunsad ni US President Donald Trump ang kanyang re-election campaign sa lunsod Orlando, estado ng Florida.
Sa kanyang talumpati, itinuloy ni Trump ang kanyang ostilong pag-atake sa pamamahayag at media at kandidato ng Democratic Party. Ipinagdiinan din niya ang mga progresong natamo ng kanyang administrasyon sapul nang umakyat ito sa puwesto.
Idinepensa rin niya ang sarili na wala siyang anumang kaugnayan sa Russia sa pambansang halalan noong 2016. Dagdag ni Trump, kung muli siyang maihahahal, patuloy niyang igigiit ang matigas na posisyon sa isyu ng migrasyon at patuloy na palalakasin ang pagbibigay-dagok sa droga.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |