|
||||||||
|
||
Iniharap kamakailan ni Marco Rubio, Senador na Amerikano ang lehislasyon bilang pagsusog sa taunang National Defense Authorization Act (NDAA). Layon nitong ipagbawal ang paghingi ng bayad-pinsala ng Huawei, telecom giant ng Tsina, sa mga hukuman ng patente ng Amerika, makaraang humiling ang Huawei sa kompanyang Amerikano na Verizon Communications Inc. na magbayad ng isang bilyong dolyares sa paggamit ng mahigit 230 patente.
Ikinasindak ng lahat na kinabibilangan ng mga mamamayang Amerikano ang pagka-double-standard ni Rubio. Masasabing si Rubio ang pinakaradikal na Republikanong Amerikano laban sa Tsina. Sa isang banda, madalas niyang binabatikos ang Tsina sa di-umano'y pagnanakaw ng karapatan ng pagmamay-ari ng likhang isip (IPR). Sa kabilang banda naman, tinangka niyang susugan ang NDAA para pigilan ang Huawei sa pagsingil ng bayad-pinsala.
Patunay itong sa mata ni Rubio, ang pangangalaga sa IPR ay pangangatwiran at instrumentong pulitikal lamang.
Sa toto lang, ang pang-aatake ni Rubio sa Tsina ay hindi lamang sa IPR. Inilarawan siya ng Washington Post bilang isa sa mga pinakamaingay na kritikong Republikano sa Tsina sa administrasyon ni Trump.
Lantad ang pagka-double-standard ni Rubio sa mga isyung may kinalaman sa Tsina. Sinusubok ni Rubio na ipakilala ang sarili bilang makabayan, pero, ang kanyang pagka-double-standard at ekstrimistang pananalita ay nakakapinsala sa interes at imahe ng Amerika. Sa ngalan ng interes ng mga mamamayang Amerikano, itinago ni Rubio ang kanyang napakasakim na ambisyong pulitikal.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |