|
||||||||
|
||
Sa regular na preskon nitong Huwebes, Mayo 30, sinabi ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ginagawa kamakailan ng pamahalaang Amerikano ang lahat ng makakaya para manggipit at pabagsakin ang Huawei, telecom giant ng Tsina, pero, ang pinakagustong malaman ng lahat ay kung may ebidensya rito ang panig Amerikano.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa pananalita ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika nitong Miyerkules, Mayo 29. Anang tagapagsalitang Amerikano, pinagtibay ng kanyang bansa ang National Defense Authorization Act para ipagbawal ang pamimili ng pamahalaang Amerikano ng mga teknolohiya ng Huawei, batay sa ilang "ebidensya." Nauna rito, sinabi ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika na di tulad ng mga kompanyang Amerikano na sumusunod sa batas ng Amerika sa pakikipagtulungan sa pamahalaang Amerikano, bilang "instrument" ng pamahalaang Tsino, ang Huawei ay may mahigpit na kaugnayan sa pamahalaang Tsino.
Saad ni Lu, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nabanggi ng pamahalaang Amerikano ang "ebidensya" kaugnay ng isyu ng Huawei. Diin niya, ginagawa ng pamahalaang Amerika ang lahat ng magagawa para kumbinsihin ang mga tao mula sa Amerika at ibang mga bansa na nagdudulot ang Huawei ng panganib na panseguridad: una, ang idelolohiya bilang pangangatwiran, at sa pagkakataong ito, ang relasyon ng Huawei at pamahalaang Tsino. Pero, walang ibinigay na katibayan dito ang panig Amerikano, dagdag pa ni Lu.
Nabanggit din ni Lu ang PRISM incident, kung saan malinaw na malinaw ang mga katotohanan at katibayan hinggil sa ginampanang papel ng pamahalaang Amerikano at kung may magkakaibang pakikitungo at kilos batay sa pagkakaiba ng ideolohiya.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |