Ipinahayag Hunyo 18, 2019, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Democratic People's Republic of Korea (DPRK). Hinggil dito, idaraos aniya ng dalawang panig ang mga aktibidad bilang pagdiriwang para magdagdag ng bitalidad sa relasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon.
Ayon sa pahayag na inilabas ng Departamentong Internasyonal na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), dadalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa DPRK sa ika-20 hanggang ika-21 ng buwang ito.
Salin:Lele