Bago ang kanyang dalaw-pang-estado, inilabas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang artikulo sa mga pangunahing media ng Hilagang Korea na pinamagatang "Pagpapatuloy ng Pagkakaibigan ng Tsina at Hilagang Korea, Pagsulat ng Bagong Kabanata sa Bagong Panahon."
Tinukoy ng artikulo na ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Democratic People's Republic of Korea (DPRK). Nitong ilang taong nakalipas, nagkakaroon ng pagtitiwalaan at pagkatig sa isa't isa ang mga mamamayan ng dalawang bansa. Dagdag pa ni Xi, kahit paano man magbago ang kalagayang pandaigdig, hindi nagbabago ang matatag na relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Hilagang Korea. Matatag na kinakatigan ng Tsina ang natamong mas malaking bunga ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Hilagang Korea, saad ng artikulo ni Xi.
Anito, nabuo na ang kalagayan para sa pagkakaroon ng diyalogong mapayapa ng Korean Peninsula, at kinakaharap na rin ang magandang pagkakataon para sa paglutas ng isyung nuklear. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Hilagang Korea, para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, ani Xi.
Salin:Lele