|
||||||||
|
||
Ipinalabas kamakailan ng World Bank (WB) ang ulat tungkol sa "Belt and Road." Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Hunyo 19, 2019, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na binigyan ng obdiyektibong papuri ng nasabing ulat ang mga natamong bunga nitong anim na taong nakalipas sapul nang iharap ang inisyatibang "Belt and Road." Bukod dito, nagharap ang ulat ng ilang palagay at mungkahi sa posibleng lumilitaw na problema sa inisyatibang ito.
Anang ulat, bunsod ng "Belt and Road," pinabibilis ang pag-unlad ng kabuhayan at pagbabawas ng karalitaan sa mahigit sampung umuunlad na bansa. Lubos din nitong pinapurihan ang katuturan ng "Belt and Road" sa paglaki ng kalakalan at pamumuhunang pandaigdig. Binanggit din ng ulat na dapat isagawa ng nasabing inisyatiba ang reporma para mapataas ang kaliwanagan, at mabawasan ang mga panganib sa kapaligiran, lipunan, at korupsyon.
Sinabi ni Lu na ang mga ginawang opinyon ng ulat ng WB ay magkatumga sa ideya ng panig Tsino sa pagtatayo ng "Belt and Road" sa mataas na kalidad. Tungkol sa naturang palagay at mungkahi ng ulat, nananalig siyang mataimtim na pag-aaralan ng mga kaukulang departamentong Tsino ang mga ito, dagdag niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |