Sinimulan kahapon, Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2019, ng Globe Telecom Inc ang kauna-unahang 5G commercial broadband service sa Pilipinas. Ang Huawei Technologies Co Ltd ng Tsina ay pangunahing tagapagsuplay ng mga kagamitan.
Ang Pilipinas ay naging unang bansa sa Timog-silangang Asya na may 5G service. Ayon sa Globe, sa pamamagitan ng 5G, ang internet speed sa Pilipinas ay makakaabot sa 100 megabits per second (Mbps).
Sinabi naman ni Ernest Cu, CEO ng Globe, na ang 5G ay magbibigay ng walang hanggang posibilidad sa mga Pilipino tungo sa information superhighway.
Salin: Liu Kai