|
||||||||
|
||
Brussels — Ipinahayag nitong Martes, Mayo 21, 2019 ni Liu Kang, Punong Kinatawan ng Huawei Company sa Unyong Europeo (EU), na nakahanda ang kanyang kampanya na paunlarin kasama ng Europa, ang mga kaukulang produkto at serbisyo ng 5G.
Ani Liu, ang 5G ay nagiging pinakamabuti sa pamimihan, at ito ay nagawa ayon sa aktuwal na kalagayan ng Europa. Umaasa aniya ang Huawei na magsisilbing tagapagtaguyod ang Europa ng 5G technology upang mas mabuting mapasulong ang kabuhayang Europeo at mapalakas ang namumunong katayuan nito sa industriya.
Dagdag pa niya, patuloy na mananatili ang Huawei sa Europa at itutuloy ang internasyonal na takbo nito para makapagbigay ng ambag sa paglakas at pagkakaisa ng Europa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |