Mula ika-27 hanggang ika-29 ng buwang ito, dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-14 na Summit ng G20 sa Osaka, Hapon.
Kaugnay ng biyaheng ito, sinabi ngayong araw, Lunes, ika-24 ng Hunyo 2019, sa Beijing, ni Zhang Jun, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na ito ang ika-7 beses na pagdalo ni Xi sa G20 Summit, at ipinakikita nito ang lubos na pagpapahalaga ng Tsina sa kooperasyon ng G20 at pandaigdig na pangangasiwang pangkabuhayan. Aniya, sa pamamagitan ng kasalukuyang summit, nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, na igiit ang multilateralismo, itaguyod ang direksyon ng pag-unlad ng G20, magtulungan sa pagharap sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa prospek ng kabuhayang pandaigdig at sistema ng pandaigdig na pangangasiwang pangkabuhayan, at itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Ayon pa rin kay Zhang, sa panahon ng summit, isasagawa rin ni Xi ang mga bilateral at multilateral na pagtatagpo, na kinabibilangan ng nakatakdang pagtatagpo kasama ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, kung saan ginagawa ngayon ng kapwa panig ang mga paghahanda.
Salin: Liu Kai