|
||||||||
|
||
Sa larangan ng malinis na enerhiya, taglay ng Tsina ang mayamang karanasan ng paggagalugad at modernong teknolohiya sa daigdig. Ang magkakasamang pagsasagawa ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng konstruksyon ng malinis na enerhiya ay nakakatulong sa pagsasakatuparan ng pagkokomplemento ng bentahe ng isa't-isa, nakakapagpasulong sa pag-unlad ng malinis na enerhiya, at nakakapagpabilis sa proseso ng integrasyong pangkabuhayan sa rehiyong ito.
Sa kasalukuyan, lampas sa 240 milyong kilowatt ang di-ginagalugad na yamang tubig at koryente sa ASEAN, at mayroon din itong napakayamang reserba ng solar energy, wind energy, at iba pa. Kaya napakalaki ng potensyal ng paggagalugad sa hinaharap.
Nitong ilang taong nakalipas, kasabay ng unibersal na pagtaas ng bolyum ng konsumo ng enerhiya sa rehiyon, ang paggamit ng mga yaman ng iba't-ibang bansa para sa kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, ay nagsisilbing komong kahilingan ng mga bansa sa rehiyong ito. Sa Porum ng Malinis na Enerhiya ng Ika-4 na Summit ng Silangang Asya na ginanap kamakailan, buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na kasabay ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, kailangang lutasin ang isyu ng paglilipat ng enerhiya sa rehiyon ng Silangang Asya sa lalong madaling panahon. Anila, ang pagpapaunald ng malinis na enerhiya ay nagsisilbing mahalagang breakthrough para resolbahin ang isyu ng sustenableng pag-unlad sa rehiyong ito. Sa usaping ito, mayroong mayamang karanasan at modernong teknolohiya ang Tsina, kaya dapat pag-ibayuhin ng Tsina at ASEAN ang kanilang kooperasyon sa usaping ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |