Nagtagpo ngayong araw sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), sa Osaka, Hapon sa sidelines ng G20 Summit. Inulit ng magkabilang panig ang pananangan sa multilateralismo.
Ipinahayag ni Xi ang patuloy na pagkatig ng Tsina sa UN. Ipinahayag din ng pangulong Tsino ang paghanga sa pagsisikap ni Guterres para sa magkakasamang pagtugon ng komunidad ng daigdig sa pagbabago ng klima. Sinusuportahan aniya ng Tsina ang pagtatamo ng progreso ang 2019 Climate Action Summit na gaganapin sa darating na Setyembre.
Ipinahayag naman ni Guterres ang pangangailangan ng pagpapatingkad ng papel ng UN sa kasalukuyang situwasyon ng daigdig, kung saan maigting ang ka pangkalakalan at situwasyon sa Gulf region. Kinikilala ni Guterres ang kahalagahan ng Belt and Road Initiative (BRI) sa pagpapasulong ng kaunlarang pandaigdig, at mga namumunong papel na ginagampanan ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig. Nakahanda aniya ang UN na magsikap, kasama ng Tsina, para gumanap ng karapat-dapat na papel sa pangangasiwa sa daigdig at maging pangunahing agos ang paggigiit sa multilateralismo.
Salin: Jade
Pulido: Mac