Ipinahayag nitong Martes, Mayo 14, local time, sa Paris ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, na sa kasalukuyang situwasyong pandaigdig, kung saan pinagdududahan ang multilateralismo, kailangang buong lakas na igiit at pangalagaan ng iba't ibang bansa ng daigdig ang multilateralismo para magkakasamang tugunan ang mga isyu ng pandaigdig na kalakalan, pagbabago ng klima, at iba pa.
Winika ito ni Macron sa kanyang pakikipagtagpo sa mga kinatawang lumahok sa Leaders for Peace Forum na ginanap mula Mayo 13 hanggang Mayo 14.
Salin: Jade
Pulido: Mac