|
||||||||
|
||
Nagbukas nitong Huwebes, ang Global Center on Adaptation Beijing Office. Lumahok sa seremonya ng pasinaya sina Premyer Li Keqiang ng Tsina; Punong Ministro Mark Rutte ng Netherlands; at Ban Ki-moon, dating Pangkalahatang-Kalihim ng United Nations (UN) at Presidente ng Global Commission on Adaptation.
Ang Global Center on Adaptation ay executive body ng Global Commission on Adaptation na magkakasamang itinatag ng 17 bansa na kinabibilangan ng Netherlands at Tsina noong 2018. Layon ng komisyon na pasulungin ang paghahanda na maging angkop ang komunidad ng daigdig sa pagbabago ng klima at matulungan ang mga bansang pinakaapektado ng pagbabago ng klima.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Li na ang pagtugon sa mga hamong dulot ng pagbabago ng klima ay hindi lamang pagkakasundo ng komunidad ng daigdig, kundi ang pangangailangan para sa pagtataas ng antas ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina.
Sinabi naman ni Rutte na nakahanda ang Netherlands na pasulungin, kasama ng Tsina ang kooperasyon sa ilalim ng Global Commission on Adaptation, para magbahagi ng mga karanasan at teknolohiya ang iba't ibang bansa, at magkakasamang magsagawa ng aksyon bilang tugon sa pagbabago ng klima.
Diin naman ni Ban, walang hangganan ang pagbabago ng klima, at sa pamamagitan ng pandaigdig na kolaborasyon at magkakasamang pagsisikap ay mapapangalagaan ang ibinabahaging kinabukasan ng daigdig.
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |