|
||||||||
|
||
Sa kanilang pagtatagpo ngayong tanghali sa Osaka, Hapon, nagkasundo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika na itutuloy ang pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa batay sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan. Ipinahayag ng panig Amerikano na hindi nito ipapataw ang karagdagang taripa sa mga produktong Tsino. Tatalakayin ng mga grupong pangnegosasyon ng dalawang bansa ang hinggil sa mga may kinalamang detalye.
Salin: Jade
Pulido Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |