Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: bantang pantaripa, hindi makakatulong sa paglutas sa isyu

(GMT+08:00) 2019-06-28 09:04:57       CRI

Sa bisperas ng nakatakdang pagtatagpo ng puno ng estado ng Tsina't Estados Unidos sa Biyernes, Hunyo 29, sa Osaka, Hapon, sa sidelines ng G20 Summit, muli na namang nagbanta ang awtoridad na Amerikano na magpapataw ng karagdagang taripa sa mga produktong Tsino kung hindi mararating ng dalawang bansa ang kasunduang pangkalakalan. Hindi ito makakatulong sa paglutas sa alitang pangkalakalan ng dalawang bansa.

Kung babalik-tanawin ang labing-isang round ng talastasang pangkabuhaya't pangkalakalan sa pagitan ng Tsina't Amerika, nakikitang sa mula't mula pa, ang paglutas sa mga isyu sa pamamagitan ng pantay na pagsasanggunian ang pinakapangunahing pagpili ng Tsina. Samantala, kaugnay ng tatlong beses ng pagliguy-ligoy at pagtalikod sa pangako ng pamahalaang Amerikano, naniniwala ang panig Tsino na may prinsipyo sa kooperasyon at bottomline sa talasatasan, at ginawa rin ng Tsina ang mga katugong hakbangin.

Sa katotohanan, mataas ang lebel ng pagkokomplemento at malalim ang pag-uugnay ng mga interes ng Tsina't Amerika. Ang pagtutulungan ay kapaki-pakinabang at ang pag-aaway ay nakakapinsala. Walang mananalo sa digmaang pangkalakalan at kapuwa ay maaapektuhan. Ayon sa ulat ng Wall Street Journal, 82% ng mga inaangkat na mobile phone ng Amerika, 94% ng mga laptop computer, 85% ng mga tricycle at scooter, at 98% ng mga games console ng bansa ang nanggagaling sa Tsina. Ito ang dahilan kung bakit 303 sa 314 representatibo mula sa iba't ibang sektor na industriyal ng Amerika ang tumutol sa pagpapataw ng administrasyon ni Trump ng karagdagang taripa sa 300 bilyong dolyares na panindang Tsino, sa pagdinig kamakailan sa Washington D.C.. Sinabi naman kamakailan ni Stephen Roach, senior fellow sa Yale University na nagkakaroon ang pamahalaang Amerikano ng "basic misunderstanding" kung paano umaandar ang mga taripa.

Sa bisperas ng kasalukuyang G20 Summit, inilabas ng pamahalaang Hapones ang white paper hinggil sa kalakalan, na humahampas sa kampana bilang alarma sa proteksyonismo. Tinukoy rin nitong ang labis na mahigpit na hakbanging pangkalakalan ay humaharaang sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Sa katotohanan, ito rin ang pagkabahala at panawagan ng higit na nakakaraming miyembro ng G20. Matatandaang noong 1930s, dahil sa pagpapatibay ng pamahalaang Amerikano ng Smoot-Hawley Tariff Act, o United States Tariff Act, at pagdaragdag ng taripa ng pag-aangkat, nabawasan ng 60% ang bolyum ng pandaigdig na kalakalan. Bunsod nito, ang pagbaba ng kabuhayan ay nauwi sa malawakang resesyon. Sa kasalukuyan, ang taripang ipinapataw ng Amerika ay nakakapinsala rin sa mga ekonomiya ng G20. Kaya lang, kailangang suportahan ng mga miyembro ng G20 ang multilateralismo, sa halip ng unilateralismo, hikayatin ang pagbubukas at pagiging inklusibo, sa halip ng proteksyonismo.

Kaugnay ng alitang pangkalakalan ng Tsina't Amerika, ang pagkakaroon ng kasunduan sa pamamagitan ng pantay na diyalogo ay ang siyang tanging kalutasan. Samantala, hinding hindi susuko ang Tsina sa mga banta ng karagdagang taripa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>